Total Pageviews

Ninja Followers :)

Sunday, March 11, 2012

It's NOT that EASY...

Grabe..
Wala akong masabi..
mejo nagpaka hibernate ako ng 1 month sa pag blog dahil sa pagod at kulang sa
oras..

Ngayon ko lang na realize na ang hirap maging isang call center agent, malaki nga ang kinikita ko
pero kapalit naman ay grabeng pagod at nakaka-stress sya..

Masaya na ako na umabot ako sa floor at isang linggo na din akong nag te-take ng calls..

Canadian ang account ko kaya sa gabi ako buhay at patay ako sa umaga..
Madali lang kung tutuosin yung ginagawa namin dahil isa lang ang tool ko at ticketing lang
ang ginagawa ko. Pero yung stress sa pag ha-handle ng customer ang problema ko. Pati ang
AHT ko pero muka namang pasok sa banga yung aht ko..sana lang ay hindi ako ma-extend sa
OJT, ayoko talaga..

Naaawa ako tuloy sa mga call center agent dahil lagi kami pinuputakan ng mga walang pusong
canadian pag hindi nila nakukuha yung serbisyo na gusto nila. Pero sana naman putangina! Maisip
nila na yung sinisigawan nila ay mga walang malay at nag tratrabaho lang para sa kanya-kanyang
kinabukasan nila.

Nakakairita ang mga irate callers, gusto ko sila pasabugin para ma-realize nila na pwedeng
mawalan ng trabaho ang mga nakakasagot sakanila.. Lalo na sa mga first time mag call center,
sila ang kawawa dahil wala pa silang idea sa ganun.

Kahit ako, halos maiyak-iyak ako sa mga pesteng canadian na yan. Kala mo kung sino..

Ang hirap..pero kinakaya ko pa. Ayoko dumating nanaman yung time na a-ayaw nanaman ako
at mag reresign..sana umabot naman ako sa trabaho kahit 6mo. Masaya na ako dun..

Pero nararamdaman ko, hindi ako tatagal ng 3 taon sa pagiging call center agent.. :'(

Saturday, February 18, 2012

One week of Enjoyment.

It's been a week since I started working again.
It was nice. It was fun. I drowned.

Not because of my environment, but because of my co-workers who are so much better than me. Most of them came from big companies and some of them are veterans. I got deflowered in this industry for the first time. Actually, I am not alone. We are 4 in this industry. Base on what I have observed, they're all great. Again, much better than me..

I got insecure but I know I can pass this obstacle of my life. :)

Tuesday, February 7, 2012

Isang Araw ng Lagalag.

Isang araw nalang.

Isang araw nalang ako bummer!

Kahapon sa hindi inaasahang panahon, tumawag na ang company sakin para sa schedule ko.
12-9pm daw ako bukas, Feb. 9, 2012 ang simula ko.

Nung biglang tumawag si ate, biglang nanlamig ang katawan ko at parang umurong ang esophagus ko. Hindi ko alam..

Hindi naman na ako kinakabahan sa mga gagawin, pero kinakabahan ako sa mga kasama ko..

Half breed man ako, pero takot ako sa butch. May nakita akong isa nung pumipirma ako ng contact at nararamdaman ko na kasama ko sya at wala akong choice dun.

Hindi dahil sa nanghuhusga ako, dahil pakiramdam ko ay lalake sila. Takot ako sa lalake. Hahaha. Not unless para kang baklain na lalake, sureball ako friends tayo agad. :D

Bukas na, bukas na magsisimula ang kalbaryo ko. Sana kayanin ko.

Wala man akong alam sa mundong pinasok ko, pero ang galing nakuha ako! :D

Ngayon ay huling araw ko na sa pag lalagalag, aalis ako. Huling lakad na ito dahil wala narin akong budget. :D

Naubos na sa kaka-alis at kaka-tambay! >.<

Ganun pa man, sana makaipon ulit ako. :)

Friday, January 27, 2012

I returned and succeed. :)

  Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko alam dahil hindi ko pa na-aabsorb. :))

6 Months ago, nag apply ako sa mga call center, akala ko ganun kadali makapasok pero alam mo yung talo pa ako sa heartbroken. Hindi nila ako kinukuha lalo na yung mga pesteng HR na pag nalalaman nila na Nurse ka, wapak! chugi kana at dahil sila ang HR, feeling nila sila na ang pinakamagaling. Halos lahat ng HR walang puso lalo na yung mga nasa Call Center Industry.

Hindi nila alam kung gaano nila pinahihirapan ang mga applicant. Ilang pamilya ang nagugutom dahil sakanila. Sila ang Dyos sa paghahanap mo ng trabaho and as much as possible, gusto nila sambahin mo sila.

Nabadtrip ako noon at minsan pinapamuka ko talaga sakanila na "Hindi lang kayo ang nag o-offer ng trabaho sa mundo! Hindi ako magugutom ng dahil sainyo!"

Nawalan ako ng gana noon, dahil sakanila naramdaman ko ang pagiging 'rejected'. Pakiramdam ko hindi na ako makakahanap ng trabaho dahil hindi ako magaling sa pag-hahanap ng trabaho. Nainggit ako noon sa mga kaibigan ko. Lahat sila may trabaho na, napag-iwanan na ako. Kaya humingi na ako ng tulong sa kuya ko. At kahit nagka-trabaho ako noon, hindi parin ako lubusang masaya dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko yun pinaghirapan. Hindi ako dumaan sa tamang proseso. Direkta ako dahil nga may kapit. Pero hindi ako masayang masaya. Hindi rin ako nag tagal sa trabaho na iyon dahil lalo akong hindi naging masaya. Sa makatuwid, nag resign ako. Ayaw nila ako paalisin dahil magaling daw ako. Ewan ko kung puro pambobola lang ang ginagawa nila para wag lang ako umalis.

Kahapon naman ay sinamahan ko ang kaibigan ko na mag hanap ng trabaho. Nag apply ako ulit sa isang call center sa Centris, Edsa. Hindi na ako nag handa tulad ng dati, hindi ako nag bihis ng maayos na parang reyna sa pag hahanap ng trabaho. Naka converse, jeans at simpleng polo lang ang sinuot ko.

Wala talaga sa plano ko ang mag hanap ng trabaho kahapon. Gusto ko lang samahan kaibigan ko para di naman nya ma feel na lonely sya. Gumawa ako ng resume ko, yung 'updated'. Pero sa kasamaang palad, hindi ako naka print. Shet lang. Dahil nga tamad din ako, hindi na ako nag aksaya ng panahon sa pag print. May nakita pa akong natitirang resume ko noon. Luma na, 6 months ago pa yun. Hindi na updated at mejo manilaw-nilaw na ata. hahaha.

Nagkita na kami sa centris, pero halos tanghali na ako dumating kaya ayaw ko pa sana. Sabi ko sakanila after lunch nalang kasi nga tinatamad ako. Pero sabi nila, 'go' na daw para tapus na agad. Shet. Gutom na din ako dahil hindi pa ako nag breakfast.

Pagdating sa loob, parang wala lang. Nothing special. Ganun parin. May sinagutan ako na application form. Pag tapos noon, interview na. Hindi na ako nag practice. Ayoko na, nakakatamad. Sa isip-isip ko kasi, baka hindi naman ako matanggap ulit. Ayoko na umasa.

Habang ini-interview ako, napansin ata ng HR na hindi updated ang resume ko, sabay sabi..

HR:"Is this updated?!"

Nia L.:"No, it's not."

Honest naman ako diba. Hahaha. pero tangena lang akala ko sasablay ako ng dahil lang sa resume. :))
Maya-maya, binigay na nya sakin ang VERSANT paper! SHEEEEETTTT!!!!! hindi na matago sa muka ko ang saya nung ini-interview nya ako. At dahil nasa kamay ko na ang golden ticket to success, TINODO ko na ang versant ko!!! NO DEAD AIR ang nasautak ko habang ginagawa ko sya. SHIIIITTTTTT I MUST NAIL THIS!!! Sobrang dasal ko bago gawin ang versant. I swear, for the very first time, i did the sign of the cross, and ask God to help me while doing it. Yung anxiety ko umabot ng outerspace, but i have to stay calm ang drama ko sa loob baka sabihin naman first timer ako masyado hahahaha. :D

Tangina habang nag hihintay ako ng result, tinawag ang kaibigan ko, SHET HINDI SYA PUMASA tangina andun na eh. Versant nalang oh. Tapus maya-maya, tinawag na ako, SHEEEETTTT!!! Kinikilig na clitoris ko dahil nakita ko yung "Joining Application" na hawak nya TANGINAAAA this is it pansit!!! :D Actually, hindi ko na naintindihan masyado sinasabi nya dahil feeling ko nasa cloud 9 na ako. Sobrang hingh pare! :D

Pero syempre nalungkot din ako sa kaibigan ko at kinabahan ako, dahil WALA akong kasama putakels. Pano ako sa training!? SHIIITTTTT!!!!!! Kaya hinintay ko din yung isa pa naming nakilala kung pasado sya or hindi. E tangeenaaaa. AKO LANG ANG PUMASA! Ang swerte lang pero feeling ko kailangan din nila yun kasi may anak sila pero sobrang palad ko naman na ako lang ang nakuha.

Ngayon nag-iisip ako ng gagawin ko sa mga nalalabi kong araw as a bummer. :)

At ang promise ko na may blogger na makaka-tikim ng sweldo ko ay tutuparin ko! :)

So long sago! :)

Monday, January 23, 2012

Thank you, for not giving up on me. :')

Lord,

      I may be your worst child on earth but i'm definitely one of the sweetest. *chos!* :D

  Lord, kahit wala akong trabaho for almost 1 & 1/2 months na, hindi mo parin ako pinapa-payat sa gutom. Alam ko may kaya kami pero sana, dumating yung panahon ko, yung trabaho na para saakin. Sana, hindi dumating yung araw na isang kahid isang tuka na kami. :'( Ayoko nun. Hindi yun ang pangarap ko.

  Lord, thanks nga pala ulit, dahil nakabili nanaman ako ng bagong cellphone at salamat kahit mga 3-4x a year ako mag palit ng cellphone, I still find so many ways to buy another one. Alam mo naman na yun ang pinaka luho ko na pinatikim mo sakin.

  Lord, alam mo ba, kahit hindi kami gipit sa buhay, kahit walang mag trabaho samin alam ko hindi parin kami magugutom. But I'm still wishing, SANA..maabutan pa ng nanay ko ang mga pangarap ko. Yun lang naman ang lagi ko ini-isip. Gabi-gabi kinakabahan ako sa pag tulog ko, dahil pano kung pag gising ko, hindi na humihinga nanay ko? Pano kung pag gising ko, wala na akong kasama sa kwarto ko? Pano?! PANO!?

  Kinakabahan talaga ako, lalo na ng ma-avail na ng nanay ko ang 20% discount sa lahat ng binibili nya.. Dahil alam ko yun na ang simula ng BONUS LIFE ni Mother Bear. :'( Sana wag pa..wag muna.. Bukod sa gusto ko na ma-ihimlay sya sa magarbong himlayan, gusto ko matikman nya yung mga bagay na makukuha ko. Utang na loob..pagbigyan mo na ako!

   Simple lang naman ang mga hiling ko, sana pagbigyan mo na ako ng bonggang bongga.. :') Thank you.

Wednesday, January 4, 2012

Putukan' 2012

2012 na.

At nakatulog ako. Pag gising ko 12:30am na. Shit diba? Haha. At ang usok di ako makahinga. Ang baho ng pulbora ng paputok pero mas mabaho ang putok ni kuya jeepney driver na nasakyan ko. :))

Wala naman ako masyadong wish ang gusto ko lang ngayon ay maghanap ng trabaho ulit.

dahil naa-addict ako sa pag lalaro sa timezone. Seryoso! :D

Shit. wala na ako pang laro. 1 month na ako naka-tenga. Dahil masunuring bata ako sa nanay ko, nag resign ako. Tulad ng gusto nya. Pero hindi ako naging masaya dahil nawala ang trabaho ko. Ang source of income ko. Wish me luck dahil pag nagkatrabaho ako, may ma-swerteng blogger na makakatikim ng sahod ko! Lalo na at mag be-birthday na ako. I'm gonna be legal all around the world. 4 months nalang, 21 na ako. :)


Ang huling wish ko para sa taon na ito,
"Sana buhay parin si Mother Bear ko hanggang matapus ulit ang taon na ito."

Yun lang naman ang hiling ko..mahirap ba makuha yun?

Sa lunes, mag hahanap ulit ako ng trabaho, pero hindi ko sasabihin sa nanay ko. Isi-secreto ko. Dahil sigurado pag nalaman nya, hahadlang nanaman sya at yari ako dahil nag downpayment na ako para sa IVT ko sa Lung Center of the Philippines for Jan. 31 - Feb. 2, 2012. Hahahaha. Pag nagatrabaho ulit ako, iiwan ko na yun. Haha.

Sorry Mother Bear, I love you, for almost 20 years pangarap mo ang tinupad ko. Ang maging nars. Ngayon oras na para pangarap ko naman ang tuparin ko. I hope you understand... :)

Don't  worry, I'll always be your baby. ;)

Monday, December 26, 2011

Worst Christmas.

Ang tagal ko na hindi nag bo-blog.

Nakaka-miss din pala. Pansin ko lang puro tungkol sa pasko ang  nasa facebook wall ko.

Nakakainis. Nakakabwisit. Nakaka-inggit.

Yung totoo? Walang kwenta ang pasko namin.

Dati hindi naman ganoon. Dati as in bongga ang handaan parang buong barangay ang kakain at hindi maubusan ng laman ang lamesa. Hindi sa pag mamayabang, pero halos pang mayaman ang pagkain..

Peronung nakaraang pasko, shet lang. Tangina saang karinderya nakuha ang mga pagkain namin?!

Pucha. Kare-kare na napaka-labnaw ng sarsa at adobo na maitim ang laman. Plus pizza hut lang ang handa!

Taena.Sana kung alam ng drag me to hell na tita ko na hindi sya makakapag handa, sana nanahimik nalang ako sa bahay at nag order kay mcdonalds. NATUWA pa ako.

Sabi nga ng nanay ko, "Hindi na sana kami pupunta, bukas ng umaga nalang sana." Ang sagot ng tita ko, "Eh magagalit naman ako!" Lintek.

Tapus pakakainin kami ng napaka samang pagkain. Alam mo yun, it's christmas asan na ang naka-ugaliang roast beef, callos, steak!?

Nakakabadtrip. -_- Gusto ko isampal sa muka nya ang mga panget nyang handa.

Eto pa. Nung 12am na, syempre dapat mag o-open na ng gifts. Shet alam mo yung 1am na, pero wala parang nag o-open at inaantok na ang lahat dahil sa walang kwentang christmas party..

Sana sa New Year kung alam ko mas masarap ang magiging handa namin..